Kapag nagkataon,
kawawa naman ang mahihilig uminom ng alak at manigarilyo. Malaking parusa ito
para sa kanila. Aba’y hindi naman puwedeng tanggalin ito sa kanilang buhay dahil kasama na ito sa
sistema ng katawan nila. Maituturing na
rin kasi itong adiksyon dahil lagi nilang hinahanap-hanap. Kapag ‘di mo nagawa
aba’y talaga namang nakakaaburido. Kahit itanong mo pa sa mga lasenggero at chain
smoker!
Kung bakit kasi sa
dami-dami na mapag-initan ay ang bisyo palagi ang pinupuntirya. Hindi naman
papayag na ang maliit lang ang tutubuin ng mga manufacturer ng alak at
sigarilyo. Siyempre, ipapasa nila ito sa mga consumer. ‘Di bale ng ang mga ito
ang magsakripisyo, huwag lang sila. Bakit ‘di habulin ng gobyerno ang mga tax evader.
Aba’y kapag nahabol nila lahat ‘yun ay malaking buwis ang makukuha nila. Pero
siyempre mahirap habulin ang mga ‘yun dahil ang ilan sa mga ‘yun ay malalakas
ang kapit.
Alam naman natin
na hindi prayoridad ng batas na ito na mapababa ang bilang ng mga may bisyo sa
atin. Palagay ko, kung pagpigil lang sa mga nagbibisyo ay malabo ‘yun. Dahil
isa nga itong bisyo kahit mahalan pa nang mahalan ay meron at meron pa ring
bibili. Kaya lang ay baka magtipid na lang ang ilang may bisyo dahil magiging
sobrang mahal na nga ng alak at sigarilyo. Kung hindi naman magtitipid ay
kabawasan ito sa budget ng kanilang pamilya. Kaya mga p’re, hinay-hinay lang sa
pag-inom at paninigarilyo. Parang ‘di naman n’yo alam na masama ‘yan sa
kalusugan lalo na’t ‘pag nasobrahan.
Pero baka sa kahahangad
ng gobyerno na makakuha ng malaking buwis ay kaunti lang ang kanilang
makolekta. Hindi naman lahat ng
nagbibisyo ay mapepera. Marami nga sa kanila ay isang kahig at isang tuka.
Tapos ito na lang ang tangi nilang kaligayahan aba’y pakakamahalan pa nang
husto. Kung ‘di ba naman sila KJ!
Kapag ganap na
itong naisabatas, sana ay ang mamamayan ang makinabang at hindi mapunta sa
bulsa ng iilan.
No comments:
Post a Comment